Show Mobile Navigation

Whats Hot

Saturday, March 22, 2014

NTC : Block Pornographic Website

Unknown - 11:14 PM
Yayks , mga ka-Juan .
Nabalitaan nyu na po ba ang latest ?

Iniutos na ng NTC (National Telecommunication Commission) na i-block na ng mga ISP (Internet Service Provider) like Globe , Smart , PLDT etc. ang mga child pornographic site simula ngayong Marso . Ang utos na ito ay alinsunod sa inilabas na guidelines ng Republic Act (RA) No. 9775 (Anti-Child Pornography Act of 2009) .

Bilang pagsunod sa alituntuning ito , kailangang mag-install ang lahat ng mga ISP ng isang monitoring program upang mabantayan / maiwasan ang pagpasok ng mga website na may lamang child pornography .


Ang layunin ng programang ito ay para sugpuin ang lumalaganap na child pornography dito sa ating bansa mga ka-Juan . Bale ang pagbablock sa mga ito ay specifically lang . Para lang ito sa Child Pornography , hindi kasama ang mga Adult-Oriented Website . Pero pinag-iisipan din nila ito .




Joke lang ... Naalala niyo rin ba si Sweetie ma ka-Juan ? Isang sampung taong gulang na nakatira sa Pilipinas

Ang taga-Track Down ng libo-libong Pedophiles (sexually attracted sa mga batang edad . Sakit po ito na patuloy na lumalaganap sa paglipas ng ilang dekada) sa buong mundo . Proyekto po ito ng Terres des Hommes isang Children's Aid Organisation na ang layon eh sumugpo at pigilan ang child exploitation na lumalaganap sa bansa . Bale taga Switzerland sila .

Hindi po siya totoo mga ka-Juan . Computer generated Avatar na likha ng Terres des Hommes .



Noong napanood ko ung video nito : THE CREATION LoL , napa WOW ako . astig kasi siya e
Medyo natakot lang ako . Ewan ko kung bakit e .



So sa inyo mga ka-Juan . Makiisa po tayo sa pagsugpo ng lumalaganap na Child Pornography hindi lang po iyon . Lahat ng uri ng pang-aabuso sa mga bata ay dapat din po nating ipaalam agad sa kinauukulan .
Maging bahagi po sana tayo sa programang ito .


-----------------------
Ang mga larawan at videong nandito sa post na ito ay hindi amin
-----------------------

0 comments:

Post a Comment